"THE EARLIER YOU BOOK, THE LOWER FARE YOU WILL GET." Never ever po mangyayari na 1-2 days before your travel date, may makukuha pa kayong promo. WALA PO! As in WALA!! Tapos magrereklamo kayo ang mahal naman. 

Instead na mapa-mura kayo, baka mapamura talaga kayo sa sobrang mahal ng ticket. KAYA PARA % MAKATIPID at % MAKA-MURA ng pamasahe sa eroplano, ganito po yon: Mas mura ang rates kapag malayo pa ang travel date (atleast 2-3 months before). 

Mas mahal sa PEAK SEASON, gaya ng December and Summer, kasi maraming nagbabakasyon. Kapag nag-announce ng promo ang airline, yan ay for a limited booking period and selected dates lang. Hindi po kayo hihintayin ni airline kung kelan niyo gusto mag travel.  

KASI GANITO YON: Halimbawa may 200 seats ang eroplano Syempre kukwentahin ni airline kung ilan ang minimum pax niya para kumita bawat lipad. 

If you notice 9 pax lang bawat booking ang pwede. Kasi hinahati ni airline ang number of seats sa 9 bawat segment. Bawat segment may presyo, simula sa cheapest promo rate. So unahan yan sa booking. Pag napuno yang unang segment... Next segment available na, pero mas mataas na rate, and so on. 

Walang deadline ang promo, paunahan ng booking yan. At remember, hindi lang ikaw ang naghahanap ng murang pamasahe. Kaya pag sinabing promo, book na. At huwag naman maghanap ng pamasaheng 500 pesos. TAKE NOTE: May piso fare nga pero hindi totoong piso lang ang babayaran mo. May taxes and booking fees pa yan, insurance at bagahe.

KAYA ITO ANG TIP KO:Una: Planuhin in advance (at least 6 months) ang travel mo. Pangalawa: Kung may promong swak sa travel date mo, book mo na agad. For your AIR TICKETS, INTERNATIONAL and DOMESTIC, Please don't hesitate to PM kuyakikz at your service time.

Comments
* The email will not be published on the website.